image

At dahil uso ngayon ang Baguio, here’s my throwback post to a very sweet place. Taglish tayo ngayon mga inday at dudong ah. Uso kasi ang Baguio dahil sa “That Thing Called Tadhana”, an indie film said to be the most successful in the Philippines in terms of earnings (as of writing).

I’ve been here last year. Dito kami nag-anniversary ng baby ko. Oh dba ang sweet lang hihi! 2 days and 1 night nga lang kami. Sa Cubao kami sumakay ng bus papunta doon. Noong una pa nga, ubusan pa ng upuan sa Victory Liner. Ang aga na namin dumating pero imagine, 12 ng tanghali pa daw may bus na may available na upuan. Dapat pala kapag pupunta kayo ng Baguio (or anywhere else sa Northern Luzon), it’s better to reserve/book your seats na. Here’s a link to Victory Liner’s online reservation. Buti na lang may isa pang bus doon sa tabi ng Victory Liner na papunta rin ng Baguio, ang Dagupan Bus. Kaya doon na kami sumakay.

Matagal-tagal din ang byahe, mga 5-6 hours siguro. Nang pumuputok na yung tenga ko, alam ko na nasa Baguio na kami. Noong nag-stop over, bumaba kami saglit at ayun, feel ko na ang Baguio breeze, super lamig! Syempre, napayakayap ako sa baby ko. 🙂

Nang dumating na kami sa city proper, nag-taxi kami papunta sa tutuluyan namin. And to my surprise, walang aircon ang mga taxi pero ang lamig pa rin syempre. At napa-hug na naman ako, aguy! Medyo naligaw pa nga kami pero nakarating din naman. Ang bet ko sa Baguio, sinusuklian ka talaga ng mga taxi driver kahit piso lang yan.

Noong settled na yung mga gamit namin, we decided na simulan na ang pamamasyal. Sa Burnham Park kami unang pumunta. We experienced the row-your-boat-sa-lake at nagpapicture pa!

image

After sa Burnham Lake, we decided na mag-bike na lang kasi mga 6pm na noon at malalayo na yung mga ibang destinations. Sa Session Road nga pala kami nagdinner. So, naranasan din namin ni Baby ang napaginipan ni Anthony na naglalakad sila doon ni Mace. Sweet noh hihihi.

The next day, late na kami nagising kaya hindi na rin kami nakalibot pa. Diretso na kami sa bus station pa-Manila. Sayang nga saglit lang kami sa Baguio. Next time na pagbalik namin dito, may matino na akong post. Tee-hee!

Salamat sa pagbabasa!

Danica★

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy Protected by Chetan's WP-Copyprotect.